Wednesday, February 27, 2013

"Single o taken na" BUHAY kapag gumala sa mall!

Buhay ng single sa mall.
  • Dirediretso sa pupuntahan mo.
  • Bibilin agad ang gusto.
  • Lahat ng dumadaan matitignan mo.
  • Galit ka sa mga taong PDA at naglalandian sa mall.
  • Madalas manuod ka ng sine mag-isa.
  • Madalas kumakain ka sa Eat All You Can mag-isa.
  • Madalas kumakanta ka sa Videoke Hub mag-isa.
  • Madalas maglalaro ka sa Arcade mag-isa.
  • Kapag mag-isa ka napapatingin ka na lang at nalulungkot kapag nakakakita ng mga taong sweet sa relasyon nila.
  • Ayaw mong tumambay sa mga bench dahil yun ang place na maraming nag lalambingan.
  • Bitter ka sa mga naka holding hands.
  • May pampalubag loob ka laging sasabihin na ” Balang araw, magkakaroon din ako ng ganyan”.
Buhay ng taken sa mall.
  • Ang tagal niyong makapunta sa pupuntahan niyo, lahat na lang kasi gustong pasukan ng kasama mo.
  • Hindi mo mabili ang gusto mo, dahil alam mong may kasama ka at nahihiya kang gumastos at iisiping pang kakain mo na lang ito.
  • Hindi ka makalingon, sa takot na magalit ang kasama mo at bitawan ang kamay mo.
  • Tuwang tuwa kapag may nakikitang PDA, dahil alam mong hindi ka nag-iisa.
  • Hindi ka pwedeng tumingin sa iba. Lagot kang bata ka.
  • May ka holding hands ka habang naglalakad.
  • Kapag may pawis ka may mag pupunas sayo with matching kiss pa.
  • May kasama kang manuod ng sine. Ma sheshare mo ang pakiramdam na maganda ang pinapanuod mo.
  • Malaking bagay ang makita mong partner mo na nakangiti. Nakaka goodvibes yun.

No comments:

Post a Comment