Papakawalan mo pa ba? Kung mahal niyo naman
talaga ang isa’t-isa? Bibitaw ka pa ba? Kung hawak mo na? Minsan makaranas lang
ng konting lungkot at pagkakamali yung partner natin, gusto na agad natin
bumitaw. Dahil sa pride na “sinaktan” na nila tayo, niloko at pinaglaruan. May
mga taong mas piniling maging tanga pangsamantala. Patuloy na kumakapit sa
taong mahal nila. Gustong patunayan sa taong mahal nila na kahit gaanong
kasakit ang ginawa nila nandun pa rin siya para sa relasyon na meron
sila.
May mga taong gustong mabago ang taong gusto nila
sa paraan ng pagmamahal nila. Tatanggapin ang lahat ng sakit, tatanggapin ang
lahat ng pagsubok. Mapatunayan lang na mahal talaga nila ang taong yun. Dahil
sa ginagawa nilang yun, umaasa sila na mabago nila yung taong taken for granted
lang siya.
Pinipilit niya kahit mahirap. Yung tipong martyr sa pag-ibig. Pinipilit
niya kahit na siya ay nasasaktan. Ang mahalaga, magkasama sila. Ang mahalaga
hindi siya bumibitaw. Hawak mo na yung taong pinangarap mo eh. Nasayo na.
Ipaglalaban mo lang ulit.
Sayo na yun eh. Bibitawan mo pa ba?
...salamat sa pagbabasa..:)
No comments:
Post a Comment