Im confused and I need some time out to
find myself. (bakit nawawala ka ba?)
Hindi mo pa ba nahahanap sarili mo (hahaha…maghanapan
kayo!)? Naiwan mo ba sarili mo nung nagmahalan kayo? Saan ka nalito? San banda?
Anyare sa desisyon mo. Kailangan mo nga siguro ng oras para hanapin ang sarili
mo. Saan ka naguguluhan? Kung sino ang nagkamali? Ikaw lang nagkamali. Ikaw
lang dumadahilan e.
Maybe this is not the right time for us.
Talaga? Anong oras mo ba dapat sinasagot ang
isang tao? Tuwing gabi lang? Alas onse? Alas dose? O baka naman ala una? Anong
relo ba ang gusto mo para tumama ang oras natin. Bench ba? Penshoppe? Fossil? O
rolex? Ang mahal mong mahalin kung ganun.
Di kita maalagaan ng tulad ng inaasahan
mo. You deserve someone better. That’s not me.
Sana alam mong hindi ka liligawan ng isang tao
kung hindi ikaw ang gusto niya. Hindi naman caregiver ang hanap niya. Taong
magmamahal lang at susuporta sa kanya ang kailangan niya. Bakit ka ganyan?
Sarap mong kotongan.
We are too different from each other.
Malamang. Babae siya at Lalake ka. Pwede ring
Lalake ka at babae siya. Ano pa ba ang dapat ipareho? Bakit kailangan bang
magkapareho? Ang dami mo kasing hinahanap kaya ayan ang dahilan mo. Kaya nga
unique ang tao. Ibig sabihin walang katulad. Ano gusto mo? Kambal?
Someday hahanapin kita when we’re both
ready. Kung tayo talaga, tayo rin in the end. Di ba?
Talaga? Kailangan talaga? So maglalaro tayo ng
tagu taguan? Hindi na ko magpapakita sayo. Bakit? Ikaw lagi ang taya. May
kalaro na ko ng habul habulan sa oras na ayain mo ko ng tagu-taguan. Bakit
kailangan pa sa huli? Kapag nagsawa ka na sa iba? Tska ka babalik? OH MEN!
I really think that we should break up.
Because I don’t know if I still love you.
Anyare? Sabi mo kaibigan mo lang? Tapos ka
holding hands? Ang sweet mong kaibigan. Tama makipag break ka na nga. At di ko
na rin alam kung mahal rin kita. At nakapag isip ka pa sa lagay mong yan.
Its not you, it’s me…
Oo buti alam mo. Dito ka lang ata tumama. Diyan
ka magaling.
I just realized that I don’t want to be
attached.
Anyare ulet? Email ka? Email? attach file?
Attache case? Ewan! :)) Gusto mo ba ng stapler remover? Para madisattached na
tayo?
I need space
Di mo naman kasi agad sinabing astronaut pala ang
gusto mo pag laki. O kaya naman gusto mong maging keyboard? Ang haba ng space
dito o. Eto milky way. Sayo na.
Kung talagang tayo, kahit saang sulok ng
mundo, magtatagpo tayo.
Kung nasa dulo ako ng mundo. Ikaw nasa labas ka
na. Diba pangarap mong maging astronaut? Tsaka kung sakaling magiging keyboard
ka. Nasa dulo ka lang ng computer table.
Nakarelate ka noh? not unless hindi mo pa naranasang makipagbreak o hiwalayan ng karelasyon mo? Aminin..:)
...salamat sa pagbabasa
...to read more, you can click the HOME.:)
No comments:
Post a Comment