Friday, February 08, 2013

Gusto gusto lang muna...!


Kay sarap pala sa pakiramdam kapag single ka halos wala namang pinagkaiba kapag ika’y nasa relasyun. Kasi nga hindi ka naman talaga nawawalan ng karelasyun eh. Bakit hindi ba matatawag na relasyun ang “ikaw at iyong sarili?” Malaya ka. Walang nagdedemand sa iyo…in short masosolo mo ang sarili mo. Excuse me…hindi ako bitter ha!

Iba lang talaga ang nararamdaman ko ngayun, kaya iba din yung takbo ng isip ko. Alam mo yung ayaw mo muna magmahal literally ng isang tao? Tipong natutuwa ka na sa sarili mo na pa gusto gusto ka lang muna. Tipong marami kang gusto, pero wala kang mahal. Gets mo yung ganung pakiramdam?

Tipong hindi mo alam ang gusto mo eh, alam mo kasing darating at darating yun taong yun. Kaya nabubuhay ka muna sa pantasya at imahinasyon. Yung kunwaring kayo sa isip mo, yung kunwaring lambingan sa isip mo. Tipong gumagawa ka ng sarili mong fairy tale sa isip mo. Sa ganitong format ng mindset kasi, may inspirasyon ka tapos may gusto ka sa isang tao na hindi nag dedemand ng oras niya. Tipong masaya ka lang kapag nakikita siya at kaya mong lumipas ang araw na hindi ka niya napapansin at hindi kayo nag-uusap. Basta, gusto mo lang siya.

Cute no? At least hindi ka masasaktan nyan…huwag ka lang mag-emote na parang tanga lang…hahaha…Wala eh, ganyan ang mindset ko ngayon. Ikaw ba? Ganyan din?

Damayan mo naman ako oh…para marami na tayo!

Papalapit na ang Valentine’s day…magdadate kami ni  Self nyan…excited!

Salamat sa pagbabasa kaibigan!

…to read more, you can click the home-:)

No comments:

Post a Comment