Friday, February 08, 2013

Isa ka bang RISK TAKER?


Boring nga naman talaga ang buhay kapag hindi ka nag tatake risks at nandyan ka lang parati sa Comfort Zone mo. Alam mo dapat natin tandaan na ang lahat ng mahirap eh may magandang resulta sa huli at ang lahat ng madadali eh basta basta lang makukuha at maaring madali ring mawawala. 

Kapag risk taker ka, alam mo dapat na sa ikakabuti mo yun. Panget naman na minsan ka na nga lang mag ririsk sa buhay mo eh sa ikakasama mo pa. Parang anu yung successful sa puntong yun diba? Sayang ang oras at ang buhay mo nun dre.

Diba “Live life to the fullest” daw? Oo tama yun. At ang main ingredient daw nun eh yung pagiging Risk Taker. Napaisip ako, oo nga naman. Tipong ano nga kaya tayo ngayon kung hindi natin sinusubukan yung mga bagay bagay? Tipong mapapaisip ka what if ginawa ko yun? What if hindi ko yun ginawa? Ano kaya ang impact nito sayo bilang tao? Madodown ka ba? Or maiaangat nito ang self esteem mo.

Kunwari naman sa Love, hanggat hindi ka handang mag take risk sa kanya, paano mo malalaman? Paano mo siya makukuha? Oo alam natin na ang pag take ng risk eh maaring magpahamak sa atin o kaya naman may mawala sa ating tao. Pero di ba? Ang panget naman kung hindi mo susubukan. Tipong mabubuhay kang palagi na lang nag-aalinlangan. Mabubuhay kang parati na lang nagpaparinig dahil hindi mo maiparating ang gusto mo maiparating. Dahil yun nga, ayaw mo mag take ng risks. Hay naku ang hirap nun dre…masakit sa kuko yun.hahaha. naranasan mo na ba yun?

Minsan kailangan mo talagang mag take ng risks eh. Iba pa yun sa sugal ha. Ang sugal kasi, una palang tanggap talo ka na. Pero ang risks, susubukan mo kasi gusto mo maging mas better ka. Alam mo dapat yung pagkakaiba ng dalawang yun.

Kaya kaibigan kung paeasy easy ka lang sa buhay mo ngayun at naghihintay ka lang ng pagkakataon na may taong gagawa o magsasabi ng nararamdaman mo, aba’y mag-isip ka ulit! Huwag mong hintayin na mawawalan ka na ng oportunidad na gawin o sabihin yang nasa loob mo. Take risk…huwag mangamba. Siguro naman maiintindihan ka ng mga taong nakapaligid sa iyo sapagkat alam kong dumaan na rin sila sa puntong iyan.

Smile nga dyan? Yun oh…

Salamat sa pagbabasa…

…to read more, you can click the home-:)

No comments:

Post a Comment