Minsan parang ang hirap nung tanging Friendship na lang ang ma ooffer
niya sayo no? Tapos close kayo o masaya ang pinagsamahan niyo. Tapos
ang malungkot pa dun alam mo sa sarili mo na “never” na magiging kayo.
Yun bang darating yung araw na magkakaroon siya ng taong mamahalin niya
tapos ikaw nakamasid lang sa kanila. Tipong yung pinapangarap mong love
story niyo eh nakikita mo sa kanya kasama ang iba?
Yung palaging andun yung sakit. Yung hindi mawala wala yung ilusyon
mo sa isip na “Paano kaya kung ako yung taong mamahalin niya?”
Mararamdaman ko rin kaya yung sobrang kasiyahan dahil nung magkaibigan
palang kami eh sobrang saya na naming dalawa? Paano pa kaya kapag
nagmahalan pa kami?
Tapos minsan na iilusyon mo yung mga araw na baka mag I love you rin
siya sayo. Tapos mag iilove you ka rin sa kanya pero wala eh, gumagawa
ka ng sariling love story sa isip mo. Ikaw ang direktor, at kayong
dalawa ng taong gusto mo ang loveteam. Minsan napakahirap tanggapin na
wala kang masamang intensyon sa kanila pero napipili ka pa rin nilang
saktan at iwan.
Hindi mo masabing mahal mo siya dahil baka sabihin niyang masyadong
mabilis. At may mga pagkakataon naman na gusto mo maging natural lang
lahat sa inyo. Yun bang, mag uusap na lang kayo na maging kayo kasi nga
sobrang saya na ng memories niyong dalawa. Tipong landi landi muna at
wala ng ligawan na mangyayari tapos isang araw kayo na agad.
Kumbaga
dumaan kayo sa proseso eh, hindi kayo nagmadali. Pero ang mahirap nasa
proseso kayo tapos sa huli ma rerealize niya na hindi ka pala talaga
niya mahal. Na nasasayo kung tatanggapin mo yung offer na friendship
niya… o magiging strangers kayong dalawa.
...to read more, you can click the HOME>:)
No comments:
Post a Comment