Malaki na ang pinagkaiba ng buhay mo kahapon dahil ngayon ay taken ka
na. Kahit na nanliligaw ka palang, pwede ka pa naman maging unfaithful
eh. Nasa konsensya mo na lang talaga yun. Lokohin ang taong mamahalin ka
in the future?
Pero kapag naging kayo na. Kailangan niyo na mag adjust. Kailangan mo
ng umiwas sa mga taong maaring makasira ng relasyon niyo. Iba na kasi
eh, meaning committed na kayo sa isa’t-isa. Kailangan mo siyang
alalahanin, kailangan mong isipin ang nararamdaman niya. Hindi na pwede
yung landi dito, landi doon.
Respetuhin mo na ginagawa niya ang best
mapasaya ka lang tapos ikaw naman tong patuloy na tinutuloy ang buhay na
meron ka dati.
Hindi mo pwedeng idahilan na nasanay kang single ka. Edi sana hindi
mo na lang sinagot/niligawan kung gaganyan ka rin lang diba? Sayang kasi
ang pagkakataon eh. Malay mo kayo na talaga diba? Hindi mo lang
naalagaan kaya kailangan mo na naman mag hintay ng isang matagal na
cycle para mahanap yung taong para sayo.
It’s all about decision eh. Kung gusto mo talaga yung tao. Lahat ng
pagsubok pipilitin mong malagpasan eh. Hindi yung kapag alam mong
sobrang mahal ka ng tao eh i tataken for granted mo na. Tipong siya na
lang lahat ang gagawa. Huwag.. Hindi ganun. Magtulungan dapat kayo.
No comments:
Post a Comment