Wednesday, February 13, 2013

Ilan sa mga bagay na natutunan ko sa PAG-IBIG!

  • Na ang gagawin mo lahat ay sakripisyo. Hindi mo pwedeng isumbat. Lalabas kang masamang tao at mukhang napilitan kapag sinumbat mo ito.
  • Na ibigay mo na ang best mo hangga’t kaya mo. Hindi mo kasi alam kung hanggang kailan ka niya mamahalin. Cherish every moment with him/her.
  • Kapag gusto ka niyang maibalik at naguguluhan ka. Huwag ka na maguluhan. Minsan kasi magugulat ka, may nahanap na siyang iba. At sa huli ikaw naman ang hahabol sa kanya.
  • Huwag agad maniniwala sa sabi sabi ng tao. Maghintay ka ng matagal na panahon dahil kapag nag assume ka at napabilis ang desisyon mo sa bagay bagay. Masasaktan ka. Dahil lahat pala ng iniisip mo sa kanya eh ilusyon mo lang. Masakit mag assume.
  • Kahit sabihin mong hindi ka selosong tao. Mag seselos at magseselos ka pa rin. 
  • Kailangan mong mag adjust kapag taken ka. Hindi uubra ang katwiran na nasanay kang maging single.
  • Subukan mong kaibiganin ang mga kaibigan niya. Para may iba kang sources kung kamusta na siya. Mas mainam yung mapagkakatiwalaan mo din at honest din sayo.
  • Yung pride, hindi maiiwasan magkaroon sa relasyon. Kahit na nasa isip mo na dapat ka ng magbaba ng pride. Kapag nakikita mo siyang walang pakialam. Mas lalo mo pang tinataasan yung pride mo. Mahirap lambingin ang taong malamig ang binibigay na balikat sayo.
  • Anytime pwede siyang mawala. Kahit na binigay mo na ang lahat ng gusto niya. Lalo na kapag nakahanap na siya ng iba.
  • Minsan ka lang mamahalin ng tao. At kapag nawala yun. Malabo ng maibalik yung bagay na yun.
  • Na kapag nagbigay ka ng 2nd Chance. Posibleng maulit uli yung mga nangyari sayo.
  • Na hangga’t maari huwag na makipagbalikan sa Ex. Dahil mahirap masaktan ng dalawa/tatlong beses sa iisang tao lamang.
  • Kung may problema mang dumating. Tanggapin agad at solusyunan. Makakatulong din ang pagdadasal. Nakakagaan ng loob.
  • Na palaging unfair ang pag-ibig sa atin. Lalo na kapag tayo lang ang nagmamahal. Syempre, taken for granted ang labas natin eh. Pero nakakatuwa na sa likod ng lahat ng sakit. Handa pa rin tayong mahalin sila.
  • At marami pang iba. Sa susunod na ang iba.

No comments:

Post a Comment