Saturday, February 02, 2013

I hate you as much as i hate myself!


Kapag may nagalit sa atin. Madalas galit rin tayo sa sarili natin. Dahil minsan sa sobrang sikip ng nararamdaman mo kung ano ano ang nasasabi mo. Kung ano ang tampong nararamdaman mo kahit hindi ka naman dapat magtampo. Madalas nakakapagsumbat ka ng mga bagay na hindi naman dapat sinusumbat. Sa sobrang sikip ng nararamdaman mo eh kung ano ano na lang ang sinasabi mo (paulit ulit ako). May mga bagay kang nagagawa na hindi niya gusto at sobrang nagiging immature pa minsan kapag sobrang bigat na talaga.

Tipong kapag nasabi mo lahat yun at nasaktan mo ang damdamin niya o kaya naman eh nairita mo siya mag sosorry ka at kapag pinatawad ka eh parang lalabas na parang wala lang nangyari. Minsan iisipin mo what if palagi ka na lang tahimik? May mangyayari kaya? What if palagi ka nalang ngingiti para kunwari wala kang problema? Mapapansin niya kaya na may pinagdadaanan ka?

Natutuwa tayo kapag masaya sila. Tapos kapag nagagalit sila satin, pati tayo...nagagalit sa sarili natin. Parang ang hirap kasi tanggapin nun eh diba? Yung taong mahal mo. Galit sayo.

Maiiwasan ba natin na may magalit o mainis sa atin? Sa tingin ko hindi yata...kasi sabi nga "you cannot please everybody." Hayaan mo lilipas din naman yang galit na yan. Ang mahalaga nagpapatawad tayo at hindi nagtatanim ng galit sa puso. Sabi nga ng kaklase ko "that's part of the growing up..."

Peace not war!

Spread the message of love...!


No comments:

Post a Comment