Ang hirap kapag wala kang maisip isulat, lalo na kapag gusto mong
magsulat pero wala kang maisip na magandang ibabahagi sa maraming tao.
Kapag sinusubukan mo naman, nakikita mo na parang ang panget ng gawa mo
kung itutulad sa iba. Para kasing nakakaloko minsan diba? Kapag wala ka
sa harap ng computer marami kang naiisip, pero kapag nasa harap ka na
makakalimutan mo na lang agad ito. Maaring naalala mo yung iba, pero
hindi sing ganda nung una mong naisip.
Minsan, walang sustansya, kaya mas pinipili mong manahimik na lang at
burahin ang mga isinulat mo. Minsan nga tapos na yung sinulat mo, kapag
binasa mo parang may mali pa dito eh, kaya naisip mong burahin na lang,
minsan takot ka sa sasabihin ng tao sayo, sa kadahilanang taliwas ang
opinyon mo sa kanila. Marami kang naiisip na problema, lalo na kapag na
Writer’s Block ka.
Kaya madalas natin sabihin sa sarili natin na “Ilan na kaya ang
magagandang bagay na napalagpas ko sa isip ko? Ilan na kaya yung
magagandang realizations ko sa buhay na sana eh na share ko?”
Sayang nga kasi hindi ba? Malay mo yung mga bagay na naiisip mo eh
maaring makatulong sa problema ng ibang tao, yung sa mga simpleng
pagsusulat mo eh bigla bigla kang nakakatulong ng hindi mo nalalaman.
Yun ang premyo dun. Yung nakatulong ka sa tao at nagpasalamat ito sayo.
Kaya sulat ka lang ng sulat, wag mo burahin, tanggap ng tao yan. Kasi pinaghirapan mo yan at higit sa lahat.. Inisip mo yan.
No comments:
Post a Comment