Nasanay na kong mag-isa. Ewan ko, nakahanap na
siguro ako ng mga bagay na magpapasaya sakin kahit mag-isa lang ako. Naka
mindset na kasi sa sarili ko na alam kong darating at darating ang taong
magmamahal sakin. Minsan kasi sakit sa ulo ang magmahal eh, lalo na kapag may
away. Nasisira ka sa lahat ng konsentrasyon. Pero syempre masaya pa rin yung
meron dahil nga merong nag aalaga sayo. Pero kaya ko pa naman siguro alagaan
sarili ko. Sa edad kong to eh kayang kaya at buong buo ang potensyal ko sa
malaking mundong aking ginagalawan.
Hindi ko na makita ang sarili ko dati. Hindi ko
na makita kung ano ako nung nakaraan. Yung nakaraan na para ba akong mamamatay
kapag wala akong girlfriend. Tipong seloso na sobrang obsessed sa isang tao.
Sisiguraduhin ko na kapag maghahanap or mag
aantay ako ng tao sa buhay ko. Sisiguraduhin kong masaya ako at desidido para
hindi basta basta ang mga bibitawan kong salita at desisyon.
Sarap mabuhay kapag alam mo na ang konting
pasikot sikot. Kumbaga sa laro meron kang technique na ginagawa para malagpasan
ang isang stage na walang kahirap hirap. Hindi man perfect, at least natatapos
mo ang mga kelangan tapusin.
No comments:
Post a Comment