Kapag matagal na kayong hindi nagkikita ng taong
mahal mo, para bang sobrang sabik ka sa kanya. Para bang pakiramdam mo bago na
ulit ang lahat, para bang first time lang ulit nangyayari sayo. Kumbaga sa
Computer na refresh yung nararamdaman mo sa kanya. Para bang first time mo ulit
magmahal sa sobrang kasabikan mo sa kanya.
“Sa wakas! Nakita at nakasama ko na rin ang taong
kakampi ko, ang taong nakakaintindi sakin ang taong andyan palagi sa likod ko.”
Ganyan lagi ang madalas na nasasabi ng isang tao kapag nakita na ang taong
malapit sa puso niya.
Gusto mo kurutin, hampasin, halikan at yakapin ng
mahigpit. Tila ba ayaw mong pakawalan, kasi nga posible palang mayakap ang
mundo. At doon mo nalalamang masarap pala talaga kapag may nagmamahal at nag-aalaga
sayo. Ayaw mong isipin kung ano ang posibleng mangyari sa future ninyo. Ang
mahalaga kasi sayo yung ngayon at kung ano ang meron kayo.
No comments:
Post a Comment