Hindi naman sa tagal ng paghahanap ang pagmamahal
sa isang tao eh. Minsan isang araw lang mahal mo na. Minsan naman mismong
pagkakita mo sa kanya para bang ramdam mo eh mahal mo na siya bigla. Kahit na
sabihin na infatuation yan eh basta parang nakuryente ka eh sa tingin
ko medyo may tama ka na sa kanya. Iba-iba kasi yan eh. Hindi natin masasabi ang
mga bagay bagay kasi wala naman tayo sa katayuan nung nagmamahal.
Kaya wag magtataka kung kaka break lang eh ilang
araw lang o linggo eh may iba na kaagad. Hindi sa huhusgahan nating panakip
butas lang ang kasama niya. Malay natin sa istorya nilang dalawa diba? Sila at
sila lang rin ang nakakaalam nun.
Hayaan natin sila. Buhay nila yun. May sariling
buhay ka naman diba? So dapat respetuhin lang kahit na ayaw mo pa sa kanya o sa
kanilang dalawa.
…salamat sa pagbabasa!
No comments:
Post a Comment