Sunday, February 24, 2013

KAPAG MAY TAONG NANLALAIT SA IYO..:

Huwag mong gantihan ito. Gawin mong batayan ito kung may mali ba talaga sayo.

Pangalawa mong gawin, paghusayan mo pa lalo. Tandaan mong may nalalait man siya sayo, tandaan mong hanggang lait lang naman ang kaya niyang gawin. At alam mo sa sarili mong hindi totoo yun. Sino siya para sabihan ka nun diba? Ano ba ang kakayanan niya kaya sinasabi niya yun? 

Marami rin naman ang malalait sa kanya, pero mas pinili mo na lang manahimik dahil ang tanging malalait mo sa kanya eh yung maliit niyang utak, yung makitid niyang utak. Bakit kailangan pa niya gawin yun diba? Para saan? Para ipaalam sa karamihan na perpekto siya? Kung ang artista nga nasusugatan, yun pang normal na tao kaya? Eh tao lang naman lahat tayo dito diba?

Hindi ka dapat nalulungkot kapag nilalait ka, gawin mo itong stepping stone para mas mapabuti ang katauhan mo. Kasi napapansin nila yung mga bagay na tingin nila ay mali sayo. Minsan gusto ka lang naman nila itama.

Kunwari nilait kang bobo ka. Edi mag aral ka para tumalino ka. Kung nilait kang pokpok ka o maharot ka, papayag ka ba? Eh alam mo naman sa sarili mong hindi diba? Edi wag ka magpaapekto. 

Kahit na gaano katalas ang mga salita at dila ng mga yan, wala silang magagawa. Tandaan mo na ikaw pa rin ang may hawak ng buhay mo. Normal na gawain ng tao ang bagay na ito. Minsan naman ikaw nanlalait ka rin diba? Ganun lang yun.. Quits lang...hahaha

No comments:

Post a Comment