Sunday, February 24, 2013

NASIRANG PAGKAKAIBIGAN

Bakit nga ba nagkakaroon ng siraan sa kaibigan? Yung tipong sobrang saya niyo dati halos lagi kayong tumatawa pag magkasama kayo. Pero bakit dumadating sa puntong nag-aaway? Ano ba ang mga dahilan?

Ito ba ay dahil sa taong minamahal?
Sa mga pagkakataon na kailangan gumawa ng desisyon?
Sa mga pagkakataon na hindi maiwasang magkasiraan kayo?

Paano malalaman kung nag-away kayo dahil sa minamahal? Ito ba yung may mahal yung bestfriend mo pero lagi mong kinakausap kaya naiisip ng bestfriend mo na nilalandi mo na yung taong minamahal niya.

Paano naman sa pag gawa ng desisyon? Ito ba eh hindi mo maunawaan bakit ganung desisyon ang gusto niya? Na gusto mo pareho kayong tama. Pero ang lumalabas siya ang mas angat sa pag dedesisyon at kahit kailan hindi nakinig sa gusto mong desisyon.

Paano nagkakasiraan? Ito ba yung kukunin mo ang loob ng taong mahal niya tapos mag babackstab ka? Para bumaba ang tingin niya sa kaibigan mo makuha lang ang puso ng taong gusto mo.

Mali lahat diba? Nagiging makasarili kasi tayo kapag sa pang sariling kasiyahan na. Minsan kahit pagkakaibigan sinasakripisyo na para lang makuha ang mga gusto. Kasi naniniwala kang magiging masaya ka sa piling niya. Saan ka tatakbo niyan pag iniwan ka na nung taong minahal mo? Kung nawala na rin yung taong pinagkakatiwalaan mo. Wala e. Sinira mo tiwala niya e. Siniraan mo rin siya. Sa tingin mo ba mapapatawad ka niya? Oo ikaw ang pag-asa ng kaibigan mo. Dahil akala niya ikaw ang makakaintindi sa kanya. Pero iniwan mo siya. 

Kapag kaibigan ang nang-iwan sa isang tao, mas matindi pa yun kesa sa taong iniwan ng may karelasyon.

Ang kaibigan kasi andiyan palagi. Pero ang taong magmamahal sayo tulad ng binibigay ng kaibigan mo? Hindi.

No comments:

Post a Comment