Para ito sa mga babaeng biglang iniwan ng mga
lalake at hindi biglang nagparamdam, sa mga babaeng patuloy na
pinapaasa ng mga lalake pero patuloy pa ring naghihintay. Para ito sa
mga nagsasabing mahal ka nila pero hindi niya pa rin kayang pumasok sa
relasyon. Bakit kaya? Ano kaya ang dahilan?
May mga makasariling mga lalake, nagkakataon
na ang isang babae eh napupunta sa iisang klase ng lalake kaya ang mga
babaeng nakakaranas nun ay hindi na rin masisisi. Pero dapat iniisip pa
rin niya na buksan pa rin ang puso niya para sa mga deserving na
dadating.
May mga lalakeng gusto lang yung mga benefits
na nakukuha kapag magkasama kayo. Yung mga bagay na tinitaken for
granted niya sa inyo. Yung tipong kahit hindi pa kayo eh naibibigay mo
na agad ang gusto niya. Huwag kasi ganun girls. Lalo na kung hindi pa
malinaw kung ano ang meron kayo. Huwag agad magtitiwala, basta tandaan
mo tong sasabihin ko “Huwag mo ibibigay lahat, lalo na yan”
gets? Di ko na kailangan I-elaborate pa. Tulad nga ng sabi ko dati “
Madaling magsabi ng salitang "Mahal kita," Kahit sino pwede magsabi
niyan. Pero magpatunay eh onti minsan nga wala pa.
Lahat ng magagandang salita sasabihin niyan
makuha lang ang tiwala mo. Kaso ang problema nga dito ay
nagsisinungaling siya. So paano mo malalaman? Kinukuha niya ang kahinaan
mo. Nagiging peke siya sa sarili niya dahil ang pinapakita niyang tao
eh yung bagay na gusto mo. Syempre, yun ang target niya dahil yun ang
gusto mo eh. Pero minsan ang katotohanan eh roleplay lang ang lahat.
Maaring nandyan siya palagi sayo. Pero parang
kalokohan yung sobrang sweet niyo na, yung halos kayo na. Pero hindi ka
pa rin niya kayang panindigan? Kumbaga yung pangangailangan niya muna
bago yung pangangailangan mo. Laging ganun na lang lagi. Tipong bago mo
maranasan ang isang bagay, kelangan siya muna ang unang makakaranas nun.
Best example na dun is yung kasiyahan.
Enjoyin mo ang buhay mo neng. Babae ka.
Napakaraming pwedeng gawin kung iisipin. Huwag ka muna mag focus sa mga
bagay na yan. Kung gusto mo ng relasyon, huwag mo I-tie up ang sarili mo
sa mga lalakeng sinasaktan ka lang. Bakit ka mag titiis? May iba pa
dyang handang ibigay ang lahat. Pansinin mo lang. At kapag gusto mo
manatiling single, edi go lang. Mas ok yan, bata ka pa naman eh. Enjoyin
mo ang buhay. Minsan ka lang magiging dalaga. Huwag mo madaliin ang
buhay.
Bottom line is huwag kang umasa sa isang bagay na wala naman talagang pupuntahan. Ok? Apir!
No comments:
Post a Comment