Sunday, February 24, 2013


Bakit nga ba kailangan pa maging kumplikado ng mga bagay bagay? Yung tipong sweet kayo sa isa’t-isa pero hanggang friends lang kayo. Yung dinadamayan mo siya sa problema niya at ok naman kayo pero walang improvement sa inyong dalawa. Tipong ikaw yung problem absorber niya pero wala. Hindi niya maramdaman na gusto mo rin siya. Binibiro mo na siya na gusto mo siya, pero sinasabi lang niya sayo na “Ewan ko sayo, o kaya naman ” Loko ka! Haha! “. 

Minsan iniisip mo. Ano ba ang meron ang iba na wala ka? Bakit yung mga taong laging nananakit pa yung gusto niya? Bakit ikaw na gusto siya... Hindi niya mapagbigyan?

Siguro ang masasagot ko lang dyan kaibigan eh. Ayaw niyang mawawalan ng taong mapagkakatiwalaan niya. Yung taong handang tumulong sa kanya sa oras ng pangangailangan. Kumbaga kumportable siya sayo. Ikaw ang nasasabihan niya ng problema. Minsan talaga, dapat maging masaya na lang tayo sa kung ano ang meron kayo. Minsan kasi, sa pag-aasam natin ng mas mataas na bagay. Minsan nawawala pa lahat eh.

No comments:

Post a Comment