Madalas natin itanong sa sarili natin, mamimiss kaya tayo ng taong
mahal natin sa oras na mawala na lang tayo bigla? Tipong hindi naman
tayo magpapamiss, tipong bigla na lang rin mawawala tulad ng iba.
Maaring gusto mo lang gumawa ng drama sa buhay mo, at mawawala nalang
basta.
Minsan gumagawa ng ganitong instrumento sa buhay ang mga tao eh, yung
mag papamiss ng walang dahilan, tipong trip lang nila, titiisin ka
nila. Pero mas madali magpamiss kapag may pinaghuhugutan ka. Minsan kasi
kailangan natin mawala para malaman natin kung hahanapin ba tayo ng
tao. At kung sa oras na may maghanap, sila yung mga taong ayaw kang
mawala. Sila yung mga taong kailangan ka.
May mga tao kasing kapag hindi ka nagparamdam, hindi rin sila
magpaparamdam, tipong pride vs pride. Maari namang ganun lang talaga
siya, pero ikaw gusto mo na mangamusta, pero dumadaan tayo sa puntong
sasabihin natin sa sarili nating “Sana siya naman ang maka alaala.
Pero may bagay na mahirap dito, sa oras na nagpapamiss ka, mas lalo
mo siyang namimiss. Mas lalo mong pinapatay ang sarili mo sa ginagawa
mong katarantaduhan. Hirap di ba?
No comments:
Post a Comment