Saturday, February 09, 2013

Falling star...:)



Kung bawat hiling natin eh gagamit tayo ng isang bituin. Siguro ubos na ang bituin sa kalangitan. Sa hirap makuha ng taong gusto natin eh kakailanganin natin humiling ng marami bago ito matupad. Maiisip lang naman natin humiling kapag nagawa mo na yung parte mo eh.

Kapag wala naging outcome yung paghihirap na ginawa mo. Buti pa ang bituin sa kalangitan. Kahit na nag-iisa paminsan minsan eh nakukuha pa rin nitong kuminang at mabuhay.

Kaya lang naman natin gusto ng kasama dahil sa takot na baka mabuhay tayo at masanay mag-isa. Ayaw natin mangyari yun. Dahil bawat isa sa atin, dapat may isang taong handang magmahal. Yung taong hahayaan nilang kuminang ang bituin. Yung taong hindi hahayaang humiling ka pa para mabawasan ulit ang mga bituin sa langit.

Yung taong sasama sayo… Pagmasdan ang mga bituin…

PAREQUEST NGA AKO NG ISANG KANTA DYAN…PWEDE?

HILING BY SILENT SANCTUARY..TY!

No comments:

Post a Comment