Walang
tutulong sa sarili natin kundi tayo din. Maaring marami tayong payo na marinig
pero sa huli tayo pa rin ang mag iimplement nun. Parang sa Senado. Maraming batas
ang gustong ipatupad. Pero syempre Presidente pa rin ang huling pipirma para
maging batas ito.
Nakakalungkot
yung ganito no? Tipong bawal iba ang maghandle ng problema mo. Talagang ikaw
lang. Tipong no choice ka sa mga bagay na mangyayari sayo. Kailangan mo maging
malakas eh. Para hindi ka mahirapan sa pang araw-araw mong ginagawa sa buhay.
Tumitingin ka sa paligid mo kapag aalis ka. Doon ka kumukuha ng inspirasyon.
Tinutulungan mo ang sarili mo na maging malakas, kelangan mong gumalaw eh.
Mahirap na kapag nag stay ka sa isang lugar na wala namang pupulot sayo. Hindi
ba’t isang malaking kalokohan yun?
Malay mo kasi sa
oras ng pag galaw mo eh mapuntahan mo yung taong nag aabang din. Edi makikita
mo siya. Kailangan natin maging malakas para makita natin ang ibang tao.
Kailangan natin maging malakas para makapag explore ng mga bagong bagay bagay.
Kapag naging malakas tayo… Mas nakikilala natin ang sarili natin. Mas nagiging
okay tayo.
Kumbaga no choice ka na eh. May magagawa ka pa ba? Alangan naman
maging mahina ka palagi, tapos sa huli wala ng tao ang may pakialam sayo dahil
hindi mo rin naman sila pinapakinggan.
Sabi nga sa kasabihan..
“If you want change daw, umpisahan mo ito sa sarili muna dapat”.
salamat sa pagbabasa...:)
...to read more, you can click the HOME.:)
No comments:
Post a Comment