Minsan, pakiramdam natin wala lang tayo sa mundong ito. Pakiramdam natin mag-isa lang tayo palagi. Pakiramdam natin nabubuhay tayo para sa sarili lang natin. Nakakainis na nabubuhay ka sa buhay na takot kang sumugal.
Sa buhay na takot kang mawala lahat. Naging ikaw yung tao na ayaw mo. Yung taong walang tiwala sa sarili, yung taong sobrang mababa ang self esteem dahil sa paulit ulit na nangyayari sa buhay mo.
Madalas mong isipin na ano nga kaya ang mali sa sarili mo bakit patuloy na nawawala ang tao sayo? Minsan nandyan yung tao pero ramdam mong anytime pwedeng bumitaw. Ina apply mo naman yung mga natutunan mo sa mga dati mong naranasan pero sa huli wala pa rin at iba pa rin. Lakas pa ng loob mong sasabihin mong kaya mo na pero wala.. Pakiramdam mo sobrang wala ka. Sobrang hindi ka nag eexist sa buhay ng tao.
Madalas gusto nating mag-isa, Pero nalulungkot tayo dahil wala tayong mapagsabihan at wala tayong makakwentuhan. Madalas na pinipili nating mag-isa dahil andun yung paniniwala nating walang problema kapag mag-isa. Pero nakakatuwa na kahit sinasabi mo yung bagay na yun eh kapag may taong handang pumasok sa buhay mo eh pinapatuloy mo naman ito.
No comments:
Post a Comment