Saturday, February 02, 2013

Problema sa Relasyon? Parang Math lang yan. Pwedeng ma solve, kaso ayaw mo. Kasi ang alam mo mahirap, kahit di mo pa sinusubukan. Pero hindi mo alam madali lang pala. “Kung sinubukan mo lang."


Kahit na ano pang galit natin sa taong mahal natin, hindi natin sila matitiis. Kahit na sabihin mong mataas ang pride mo at hindi niya kayang pantayan. Sa huli ikaw ang bababa at hihingi ng tawad. Dahil alam mong walang patutunguhan kapag nagtagal ang away. Syempre ayaw niyo mawala yung isa’t-isa.

Takot kayong baka maghanap siya ng taong magbibigay ng payo sa kanya. At mas takot kang yung nagbibigay ng payo sa kanya eh pagsamantalahan ang kahinaan niya at kung ano ano ang ipayo. Kaya napag desisyunan mo na lang na humingi ng tawad at iuwi ang lahat sa lambingan.

Ang lalake kasi madalas magalit, madalas palakihin yung mga maliliit na bagay. May pagkaseloso pero hindi namin inaamin. Medyo baduy kasi. Pero nagseselos in the way na sobrang pinagdadamot namin ang mga babae dahil yun ang mundo namin eh. Alangan naman mundo mo, tapos umiikot sa iba diba? Pero alam naman namin limitasyon namin.

Yung mga simpleng tampuhan sa relasyon, nag aantay lang ng lambing at babaan ng pride yan. Hindi maaring matiis ka nyan. Maaring hindi ka niya itext kapag nagtatampo siya. Pero nag-aalala yan sayo. Minsan kasi ang tao gusto niya kapag alam niyang ikaw ang may kasalanan. Sorry lang ang hinahantay niya sayo. Yung sayo mismo manggaling. At ikaw naman, huwag mo na ipagkaila kapag alam mong kasalanan mo. Harapin mo ang pagkakamali mo. Ayusin mo ang sarili mo. Para rin naman sa inyong dalawa yan eh.

Mahalin palagi at patawarin ang isa’t-isa. Huwag hahayaang sumuko ang isa. Huwag bibitawan ang kamay. Ikaw lang ang sasagip sa kanya. Nag decide kayo maging kayo. Ibig sabihin nun nag decide kayong magtulungan sa hirap at ginhawa. Kumbaga sa estudyante OJT niyo palang yan habang mag nobyo/nobya kayo. Kailangan malagpasan niyo palagi yan. Paano kung kayo talaga? Edi mahirap diba? Kapag mag-aaway kayo at meron na kayong pamilya.

Oo mahirap aminin ang pagkakamali. Pero yun ang kailangang gawin dahil yun ang tama.

Basta kapag mahal mo. Kahit anong mangyari. Huwag kayong susuko :)

No comments:

Post a Comment