Friday, February 15, 2013

Mas pinili mong maging manhid na lang!

Posible pala yun. Gigising ka isang araw wala ka nang gusto/mahal dahil sobrang nabugbog na ang puso mo sa mga nangyayari sayo. Kaya naisipan mo na lang muna maging malamig na lang ulit ang approach sa mga taong lumalapit sayo. Hindi ka masisisi ng tao eh. Hindi kasi nila alam yung pinagdaanan mo at yung mga effort na ginagawa mo habang nagmamahal ka. Kanya kanya kasi ng way yan eh. 

May mga taong ineenjoy masyado ang Love pero hindi nila alam nakakasakit na sila yun bang parang taken for granted ka. May mga tao din namang napakaselfish. Habang naghihintay sila eh ikaw muna at kapag dumating na yung taong yun eh iiwan ka na nila. May mga tao din na gagawin sayo at sasabihin ang mga magagandang salita, mga astig na efforts pero sa huli papaasahin ka din. May mga taong sanay na pasikot sikot ng love kaya parang hindi mo sila nakikitaan ng lungkot. May mga taong hindi showy, kaya maguguluhan ka kung mahal ka ba talaga. 

Basta, napakaraming nagpapakumplikado. Tipong hindi na lang gawin na kapag ayaw sayo... Una palang sinabi na agad sayo... Yun bang alam naman nila sa sarili nila na hindi ka nila gusto eh magsasayang pa ng araw na igugugol sayo... Tipong habang tumatagal eh lalong dumadami yung alaala.

Minsan masasabi mo na sana hindi mo na lang pinansin yung taong yun eh. Pero wala naman nakapagsabi na nun sa una palang. Kaya mapapangiti ka na lang at masasabing kahit papano naging parte siya ng buhay mo eh. Kumbaga may natutunan ka na huwag mo ibigay lahat. Kumbaga may pagmamahal ka na natira sa sarili mo para maisip ang lahat ng bagay na ito.

...to read more you can click the HOME.:)

No comments:

Post a Comment