Kapag sabay na nagbaba ng pride ang dalawang naghiwalay at
napagdesisyunang magbalikan muli. Aagos ang mga luha sa kasiyahan.
Tipong sa wakas! Natuto din ang dalawa na magpatawad at akuin ang kanya
kanyang mga kasalanan. Mga taong humingi ng kapatawaran sa isa’t-isa at
napagdesisyunang ipagpatuloy ang pagmamahalan.
May sasarap pa ba sa
pakiramdam na yon? Yung mag settle kayong dalawang magsimula ulit at
tutulungan ang isa’t-isa na huwag na magkamali. At kung magkamali man
sila ulit eh hindi papabayaan ang isa at aayusin agad. Nakakatuwa kapag
ganun diba? Tipong hindi mo siya kayang mapunta sa iba dahil alam mo sa
sarili mong para sayo talaga siya. Yun ang isa sa mga sumisimbolo ng
tunay na pagmamahal.
Hindi na mawawala sa isipan na baka maulit muli dahil nangyari na.
Pero andun yung sinubukan muli dahil alam nilang kaya na nila. Parehas
nadapa.. Parehas nasugatan. Pero sabay tumayo at hindi na muling iiwan
ang isa’t-isa.
Ganun katindi ang nagagawa ng pagmamahal. Nababago niya ang tao sa
better person. Kapag natuto sila sa pagkakamaling nangyari sa kanila.
Sang-ayun ka ba?
...to read more you can click the HOME.:)
No comments:
Post a Comment