Minsan napapasok tayo sa magulong relasyon. Yung akala mo ok ang
lahat. Kasi sweet kayo, malambing kayo sa isa’t-isa at nabibigay niyo
ang pagkukulang sa isa’t-isa. Minsan hindi mo alam kung ano ba
talaga kayong dalawa. Sweet, pero hindi kayo. May tawagan, pero hindi
kayo. May I love you. Pero hindi kayo. Ayaw mawala sa isa’t-isa pero may
mga pagkakataon na kapag nag-aaway eh nagpapaalam na siya.
Alam mo yun? Hindi ka makagalaw? Hindi ka makapaghanap ng iba
dahil nga umaasa ka sa kanya. Hindi ka makatingin sa iba. Kahit hindi pa
kayo.. Nagiging Loyal ka na agad sa kanya. Habang siya, napakaraming
kinakausap. Sinasabi niyang masaya siya kasama ka. Pero lumalabas na
kinahihiya ka niya sa mga taong nakapalibot sa kanya. Pero lahat ng yun
eh nararamdaman mo lang. Naiisip mo lang. Dahil litong lito ka sa
nangyayari sa inyong dalawa. Tipong mapapaisip ka ano ba talaga ang
motibo niya sayo? Isa rin kaya sila sa mga taong gagawin ang lahat
mahulog lang ang loob mo sa kanila tapos sa huli eh iiwan ka din lang?
Alam mo yung kumakapit ka sa relasyon niyo. Pero walang
nakahawak sayo? Tipong nakahawak ka lang pero walang handang tumulong
umangat sayo. Kumbaga mahuhulog ka sa bangin pero walang kamay na andun.
Kailangan mong makaakyat para hindi mahulog. Kailangan paghirapan..
Kailangan kayanin.. Para yung komunikasyon niyong dalawa eh andun pa
din. Yung kahit hindi kayo..
Ang mahalaga nakakasama mo siya. Tipong
lahat ng bagay na nangyayari sa inyo… Eh siniseryoso mo masyado. Mahal
mo eh. At higit sa lahat ayaw mong mapunta sa iba. Sayo siya eh..
Malakas ang pakiramdam mo siya ang nakatadhana sayo :)
No comments:
Post a Comment