Dami niyong pinangarap sa isa’t-isa. Nangako siya na ikaw ang
papakasalan. Kailan niya sinabi yun? Nung araw na masaya siya, nung araw
na masaya kayong dalawa. Pero nakakainis naman talaga diba? Tipong
nakakatuwa at dumating sa punto na nag plano kayong dalawa sa
pagpapakasal. Tipong sa murang edad eh napag iisipan niyo na yun. Yung
mapapaisip ka na ang saya nga sana kung matutuloy, kaso ang tagal pa,
sobrang tagal pa mangyayari dahil marami pa kayo dapat gampanan.
Pati pangalan ng anak niyo naisip niyo na, minsan nga trying hard pa
kayong dalawa mag-isip ng pangalan na maganda kapag nag combine ang
pangalan niyo eh. Tapos kung sino ang mag tatrabaho, kung sino ang
maiiwan sa bahay palagi, at kung gaano kaganda ang bahay. Marami bang
binatana? Magagandang pintuan? At magagarbong ilaw at bubuo kayo ng
isang magandang pamilya.
Sobrang dami nga namang napag-uusapan kapag masaya kayong dalawa.
Pero di nga naman lagi eh masaya ang relasyon. Kapag nalungkot ang isa
dahil sa pakiramdam na nagsasawa na siya or pinagsawaan na siya. Para
bang nakaka gago na yung mga pangarap niyo eh nawala na lang ng ganun
ganun na lang. Paano ba naman kasi wala kang magagawa kung ganun ang
nangyari. Tipong kapag naghiwalay kayo maiiyak ka nalang kapag
binabanggit mo yung mga bagay na pinangarap niyo dati.
Tapos matatapos ang relasyon na parang walang nangyari, matatapos ang
relasyon na parang walang salitang binitawan. Naglaho lahat na parang
bula. Biglang gusto mong mauntog ng malakas para mag ka amnesia at
makalimutan siya ng tuluyan.
Pero di mo magawa… Mahal mo eh.
...what a life!
No comments:
Post a Comment