Alam mo yung ganun na pakiramdam? Yung sasabog ka sa galit tapos
masasaktan mo yung isang tao sa pananalita o kaya pisikal, pagkatapos
nun eh dapat matuto ka ng magpatawad, wala namang mangyayaring maganda
kapag pinatagal niyo pa yung away na meron sa inyo eh, diba napaka
panget ng pakiramdam na alam mong may tao kang iniiwasan? Yung imbis na
pag nagkita kayo sa daan eh dededmahin niyo ang isat-isa at aalalahanin
muli ang away na naganap?
Diba napakasarap sa pakiramdam yung minsan lang kayo magkikita pero
kapag nakita niyo ang isat-isa ay wagas na batian ang inyong
matatanggap? Ganun ang mararamdaman mo sa oras na natuto ka ng
magpatawad. Kayo lang naman dalawa ang mag uusap at hindi yung maraming
tao na nakapaligid sa inyo eh.
Lalo pa kung kilala kayong dalawa ng mga kaibigan niyo. Dapat kapag
ganyan bati na lang kayo, minsan nahahati pa ang barkada dahil diyan.
Hindi na mahalaga kung sino ang tama sa mali. Nangyari na eh, may
magagawa ka paba? Yung galit ba na ilalabas mo eh mababago pa yung
nangyaring natapos na?
Hindi na diba? Hinga lang ng malalim, ngumiti at isipin ang mga
pwedeng mangyari kapag naging ok na kayo ng tao na naiilang ka dahil nga
sa nag away kayong dalawa.
No comments:
Post a Comment