Napakababaw ng kaligayahan ng babae kung tutuusin. Lalo na kapag mang
gagaling yung joke eh sa taong gusto nila. Madalas hindi nila mapigilan
yung kilig. Yung oras lang na kasama mo siya kinikilig na, paano pa
kaya kapag nag effort ka pa magpatawa sa kanya. Kahit baduy o korny ang
joke mo hindi ka niya ipapahiya. Tatawa pa rin siya dahil sa kilig na
hindi mapigilan o kaya naman sobrang na appreciate niya yung moment
niyong dalawa.
Kaya sobrang panalo sa babae ang lalakeng may sense of humor. Kaya
hindi totoo na sa mukha lang sila tumitingin. Maraming babae pa rin ang
praktikal. Hindi na mahalaga ang itsura. Ang mahalaga eh yung lalakeng
nakakapagpasaya sa kanila, yung lalakeng may oras palagi sa kanila.
That’s Love :)
No comments:
Post a Comment