Monday, February 25, 2013

Dre, huwag mo munang gastusan pag hindi pa kayo..:)

Payo ko sa mga lalakeng nanliligaw,

Hindi mo naman kailangan ipakita na galante ka, ipakita mo lang yung tunay na ikaw eh ayos na yun.

Hindi mo na kailangan ilibre sa Starbucks ang taong nililigawan mo, sapat na ang kahit anong mumurahin na inumin basta ang mahalaga tunay ang nararamdaman mo at magkasama kayo.

Hindi problema kung hindi ka kapos sa budget, pero kung estudyante ka palang rin naman na nakikiburaot pa lang rin sa magulang mo, aba mag isip isip ka sa gastos utoy. 

Hindi mo naman kailangan maging galante para sagutin ng taong minamahal mo eh, tandaan mo nanliligaw ka palang, huwag ka magpakitang gilas sa kanya na kaya mo siyang pakainin sa ganito, maibili ng ganun, tandaan mo hindi pa kayo.

Paano kung sagutin ka niya? At sa oras na sinagot ka niya eh doon ka na walang pera? Hindi ba mas dyahe yun kaibigan? Kaya hanggat maari wag kang maglalabas ng malaking pera kapag nanliligaw, kahit naman kasi ano ang gawin mo kung may pag-asa ka talaga sa chicks mo pare eh kahit san mo dalhin eh uubra yan. 

Ang gusto lang naman makita ng babae eh yung effort mo na gusto mo siyang makasama, yung effort na mararamdaman niya sa salitang “Mahal Kita”. Sa tingin mo ba mabibili mo ang mga salitang yun? Hindi diba? Kaya easy lang, marami pa kayong pagdadaanan, malay mo kailanganin mo ng pera pambili ng pregnancy test kapag naging kayo na.

O diba? Dyahe? Daddy ka na.

No comments:

Post a Comment