Tuesday, February 26, 2013

Nasirang pagmamahalan..:(

Ang saya niyo. Lagi kayong naglalambingan. Lagi kayong nagkukulitan.

Lagi kayong nagtatawagan. Lagi kayong mag katext. Lagi kayong naghaharutan.

Ang tagal mong inimbak ng inyong relasyon. Napakatagal mong naging loyal at ang mata mo ay sa kanya lang nabaling. Sa kanya mo lang pinahawak ang kamay niyo. Binuo ang tiwala mo. 

Pero ano ang nangyari? Sinira niya ang inyong pagmamahalan. Nagawa ka pa niyang lokohin sa likod ng mga ginawa mo sa kanya. Kahit sabihin nating magmahal ng walang hinihinging kapalit. May aasahan ka pa ring onting balik. Kahit onting kurot ng pagmamahal o paglalambing man lang ulit. Pero ano ang nangyari? Napagiwanan ka ng panahon. Nagsilayuan ang kaibigan mo. Niloko ka pa ng taong mahal mo.

Sayang ang masayang pagmamahalan. Nasira dahil sa kagagawan ng isang taong walang alam kundi pasiyahin ang sarili. Sinabi ang lahat ng mabulaklak na salita makuha lang ang puso mo. Noong nakuha ka niya wala na siyang naging pakialam sayo. Anong pait ng dinadanas ng ibang tao. 

Hindi bat nakakalungkot? Na yung mga taong handang magmahal. Sila pa tong napagiiwanan?

No comments:

Post a Comment