Ilang beses na nga kaya natin nababasa ang salitang ” Assume,
Masakit, Move-on, Kalimutan, at higit sa lahat ang salitang Mahal kita
at Di kita Iiwan? ” Ang daming beses na siguro, sa dami eh wala ka na
talagang ideya kung ilang beses ng nasulyapan sa Internet. Kadalasan yun
ang laman ng status ng mga kabataan, mga madalas itanong, mga madalas
sagutin.
Pero mas napapansin ko ang maraming beses mong mababasa eh ang
salitang “Move-on”. Nakakatuwa na ang mga kabataan eh nagmamahal at
nasasaktan. Pero tinatanong nila ang salitang “Paano mag move on?” Isang
pahiwatig na gusto na nilang bumangon ulit, bumangon na isang taong
nasaktan na may natutunan. Ibig sabihin lang eh gusto nila mag umpisa
muli.
Ganyan lang yan. Hayaan mong magmahal ng magmahal at masaktan ang
sarili mo. In the future, di mo na mararamdaman yan. Isa yan sa mga
mararanasan mo talaga sa edad na yan eh. In the future, magkakaroon ka
na rin ng pamilya at masisigla at mga bibong anak. Yun na lang ang
proproblemahin mo at kung paano bubuhayin ang pamilyang ito.
Kaya kung ano man ang lahat ng nararanasan mo? Go lang!! Kasama sa
paglaki yan :) Tandaan mo na lang na nasaktan ka man dahil nagmahal ka.
Ang mahalaga malayo sa bituka yan :)
No comments:
Post a Comment