Ang taong dadating sa buhay mo eh hindi mauubos. Kung yung taong akala mo laging siya na eh palaging may kasunod na papalit diyan. Ayun naman gagawin mo eh, kapag may nawala, syempre it’s either maghintay ka or maghahanap ka. Pero ang pinakamainam gawin eh yung maghintay. Kasi kapag naghihintay ka, naalagaan mo sarili mo at the same time.
Yung lungkot hindi mo mararamdaman masyado kasi wala kang hinahabol na tao. Kapag kasi naghanap ka magulo eh. Hindi mo alam kung infatuation ba yan o attracted ka lang sa kanya. Malaki pinagkaiba nun eh. Iba yung bigla mo nalang nararamdaman.
Hindi yung kakakilala mo lang sa tao eh kapag medyo may itsura eh gusto mo na agad. Kaya madalas masaktan eh. Nakakalimutan ng tao dumaan sa proseso ng getting to know each other. Minsan pasok agad ng pasok sa relasyon. Tapos kapag nakilala na nila ng husto eh tska sila magsisisi.
Huwag padalos dalos. Wala namang humahabol sayo eh. Walang nakikipag agawan. Kasi isa ako sa taong naniniwalang kapag gusto ka ng isang tao, hindi ka na papahirapan nito.
Hmpppp. LOlz :p
ReplyDelete