Thursday, January 31, 2013

hey! wag ka masyadong assuming...hindi lahat ng taong nakakausap mo eh gusto ka! mahiya ka naman.:(



Minsan kaya nandiyan lang sila para pagmasdan ka, hulihin yung mga maliit mong pagkakamali. Nandiyan sila para sumalakay sa oras na alam nilang mahina ka. Susugod at pagtutulungan ka sa oras na may mali kang nagawa. Minsan hindi mo alam kung sadyang maliit ang utak nila para sa pag intindi sa mga bagay bagay o sadyang may parte sa buhay mo o kaya sa naabot mong kina iinggit lang nila.

Kung trip lang nila ang lahat ng bagay. Ang sagwa naman siguro nun. Ang panget ng trip nila kung ganun. Parang kahit saang angulo mo tignan eh hindi uubra. 

Bakit nga kaya may mga taong panget na nga eh panget pa ang ugali? Buhay nga naman, minsan may mga taong masabing long hair ka lang eh astig ka na bilang lalake bako bako naman ang mukha. Minsan masabing kulot ka at malago ang buhok mo eh “cool” ka na may mga taong mahilig mag kunwari pero totoo naman. Pero ano nga naman magagawa mo? Eh trip nila yun. Kung hindi natin kayang sakyan, edi huwag natin pansinin. Ganun lang naman ka simple yun.

Para maging balanse ang buhay mo, kailangan mo ng taong mababait sayo at taong naninira sayo. Swerte mo na lang kung walang naninira sayo. Tahimik ang buhay mo. Minsan kasi sa mga narating mo sa buhay, sisingilin ka rin ng tadhana sa mga nagawa mo, para lalo palakasin ang loob mo sa oras na nalagpasan mo ang pagsubok.

No comments:

Post a Comment