Wednesday, January 30, 2013

Break ups..(:


Ayan ang hirap sa mga breakups eh, break na nga tapos kapag may kinausap tong isa magagalit yung isa. Tipong nagdesisyon ibigay yung kalayaan tapos magsasakalan pa rin sa huli. Tipong pakiramdam mo eh lahat pa rin ng galaw mo eh tinitignan. Lahat ng galaw na hindi mo ginagawa dati eh kapag ginawa mo eh magmumukha kang masama sa paningin niya.

Tipong sinasabi niyo sa mga sarili niyo na wala na talaga kayong pakialam sa isat-isa. Pero bawat gabi eh siya at siya rin ang iniisip mo. Tipong ano ba ang ginawa niya maghapon, sino kaya mga nakakausap niya habang wala ka? Tipong masaya ka na, kapag sumagot siyang tulog lang siya maghapon if ever mag reply siya sa concern text kuno mo sa kanya. Minsan talaga kahit break na, hindi pa rin maiwasan magkamustahan eh. Depende na rin siguro sa pinag-awayan at naging dahilan ng hiwalayan.

Nakakatuwa rin kahit papano no? Malaman mong kahit break na kayo. Kahit papano may “care” pa rin na naiiwan sa isat-isa. Syempre, sariwa pa ang sugat. Hindi ba’t kapag sariwa pa ang sugat kapag nadapa ka e lagi mo itong mapapansin sa kadahilanang ito ay kumikirot. Pero kapag nilagyan na ng gamot. Minsan yung peklat eh nakikita na lang natin pero hindi na natin mararamdaman.

No comments:

Post a Comment