Hirap kapag umpisa ng pakikipag relasyon no? Parang bigla na lang mag-iiba kung ano ang meron sa inyo noon. Sa una nandiyan yung ilangan kung pwede mo na ba yung ganito sa kanya, kung magagalit ba siya kung sakaling lambingin mo siya, kasi nga dati eh kaibigan ka lang at hindi mo naman nagagawa sa kanya dati dahil alam mo ang distansya ng kaibigan sa isang taong minamahal mo na masasabi nating wala ka namang karapatan.
Pero sa oras na magkaroon tayo ng karapatan, karapatan lambingin ng husto, karapatan mahalin ng husto, karapatan hawakan ang kanyang kamay, karapatan magtanong ng mga bagay na hindi mo pwede itanong dati. Naiilang tayo sa mga bagay na ito dahil nga bago.
Lalo na kapag unang beses palang kayo nagkita bilang kayo, para bang nakakatakot gumawa ng first move, kung magagalit ba siya o hindi sa gagawin mo. Ang paghawak ng kamay ang unang pinakamahirap gawin, pero napakasarap kapag pumayag ito at sinarado sa iyong mga kamay ang kamay niya. Tapos proud siyang naglalakad na ikaw ang hawak niya. Ibig sabihin kasi nito, hawak niya ang mundo niya. Hawak niya ang taong nagpapasaya sa kanya.
Kaya ka niya hawak, kasi ayaw ka niyang pakawalan. Napakasarap nga naman talaga maranasan ang tunay na pagmamahal.
No comments:
Post a Comment