Kapag bago kayo sa relasyon napakahirap gumawa ng first move no? Hindi mo alam kung dapat mo na bang hawakan kamay niya o kaya naman eh umakbay sa kanya. Syempre nakakailang sa una eh, tska andun na din yung takot na baka ma reject yung nais mong gawin. Minsan naman nakakatakot kasi baka sabihin na ” Ang bilis mo naman”. Kaya napakahirap gawin lalo na kung walang paalam.
Pero napakasaya nga naman talaga kapag nagawa mo na, walang kasing saya sa kadahilanang may masasabi kang sayo. Hindi mo man inaangkin ng husto, masasabi mong sayo yung taong yun. Sarap lang kapag may partner kang mahahawakan ang kamay o kaya naman maakbayan pag katabi mo sa sinehan. Tipong sabay kayo matatakot kung horror ang pinapanuod niyo, at sabay naman kikiligin kung love story naman ang pinapanuod niyo.
Nagkakaroon din kayo ng privacy na dalawa na manuod at isang sweet bonding na rin ito.
Napakasaya nga naman talaga kapag may taong nagmamahal sayo. Yung proud, yung handang yumakap, handang kunin ang kamay mo at ipagmalaking pag mamay ari ka ng taong yun, at ang pag akbay na sinasabi mo sa taong.. “Walang aagaw dito.. Akin to”.
No comments:
Post a Comment