In this blog spot, I relish my own freedom. This is a very good venue for me, I believe, to express myself with boldness and honesty. Here I freely post my philosophical thoughts, spiritual insights, views about love, everyday experiences and everything that comes out from my young and imaginative mind. Here you can read and re-post my blog if you really desire to. Please feel free reading and I wish you will leave some comments. God bless you!
Wednesday, January 30, 2013
Mga Uri Ng Groupmates :)
Nerdy One - Ito yung leader o yung taong matalino sa grupo, maaring hindi rin matalino pero masipag. Ito yung kapag sinabing leader eh alam mo na halos siya na ang gagawa ng report, group project niyo.
Yes Man! - Yung ka grupo na Oo lang ng OO pero naka headset naman, halatang gorabels lang sa mga sinasabi ng leader sa grupo, ito yung mga madalas na naka dorm lang. Ito yung mga tao na madaling kontakin sa oras ng kailangan, pwede maging side kick. Kasi madalas na grade concious ang mga ito.
1000 Reasons Man - ito yung ka grupo mo na lalake na alam mong batugan, ito yung mga maraming dahilan. Yung tipong kapag nagsabi ka ng schedule eh magdadahilan agad ito na hindi makakapunta. At kapag nilipat mo ulit ang schedule eh sasabihin niyang may pasok siya sa mga oras na yun. Ito ang mga ka grupo na masarap ihulog sa third floor.
Biglaang Lakad - Ito yung mga tao na biglang hindi susulpot sa araw ng meeting, yung biglaang may nangyari, biglaang may lakad, biglaang nagpasama yung nanay, biglaang nagpasama yung lola sa ospital para mag pacheck up. Nagpasama yung Lolo mag jogging at yung walang kamatayang Family Reunion.
Makati ang Pwet - Ito naman yung mga kagrupo na gusto na lagi umuwi, hindi mo alam kung gutom na o gusto lang maglaro ng DOTA, paano ba naman mawawalan daw siya ng pwesto at may pustahan pa daw sila. Kung babae naman, nag hihintay na kasi yung boypren niya para sa Date nila sa pinakamalapit na Hotel, este kainan.
Wala lang - Ito yung saling ketket, yung parang wala lang sa grupo. Yung parang naiwan ang utak sa bahay nila, wala sa sarili. Banggag, yung mga taong nagtatanong sa huli kapag pauwi na ang lahat.
Supervisors - Ito yung mga akala mo kung sino, wala namang na cocontribute sa grupo. Wala namang ginagawa, yung naka upo lang, parang saling ketket lang din. Pero kapag tinawag mo naman sila eh may atensyon pa rin namang na cocontribute.
Anak ni Mayor - Ito yung mayayaman na kagrupo mo, yung gusto nila wala na silang gagawin. Pero sila yung mag papa print, sila na lang yung magbabayad ng mga gastusin na ginawa ng grupo. Kulang nalang ata pati merienda mo eh ilibre ng mga taong Anak ng Mayor. Ito rin yung mga tao na itetext ka lang kung ayos na ba at tatanungin kung ano pa ang babayaran niya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment