May mga lalake pa rin na sobrang nirerespeto ang mga babae. May mga lalake pa rin na patuloy na nagmamahal ng totoo sa mga babae. Kaya huwag idamay na pare pareho lang ang lahat ng lalake. Huwag ka maging bitter sa isang lalake at tska mo idadamay yung mga lalakeng kahit kailan eh hindi ka man lang naisipan kahit minsan lokohin.
Hindi lahat ng lalake bastos. Pero may mga lalake na bastos. Hindi lahat ng lalake manloloko, pero may mga lalake talagang manloloko. Tulad naming mga lalake, hindi kayo nalalayong mga babae. May mga babae ding nanloloko samin, may mga babae din na nag papa asa.
Tulad niyong mga babae, gusto rin naming nirerespeto, gusto rin naming ginagalang. Kumbaga, kung ano ang ibinibigay naming pag galang at pag respeto sa inyo eh ganun din sana kayo samin. Hindi kami ganun ka showy tulad niyo. Kaya madalas kami ang napapasama kasi madalas tahimik lang kami at hindi namin ugali ang mag kwento.
Wala na kasi kaming magagawa, may mga ugali kami na kapag tapos na eh maaring tapos na talaga. Takot kaming mag paliwanag, basta tahimik lang kami. Nirerespeto namin ang desisyon niyo kapag kayo ang nang iwan samin. At sa mga lalakeng nang iwan sa inyo, tanggapin niyo na lang rin na ganun talaga minsan ang pag-ibig. Maaring masaya ka noon, maaring malungkot ka ngayon. Pero darating ang araw na sasaya ka muli, dahil sa hindi lahat ng lalake ay pare pareho.
Maraming tao diyan ang handang magmahal sayo. Hindi lang makapasok. Dahil sarado ang puso mo.
No comments:
Post a Comment