Kung ako ang tatanungin magkaiba ito, ibibigay ko ang opinyon ko dito. Kapag ang tao nagsawa, kahit anong effort ang gawin mo eh wala ng kwenta sa kanya ito. Di tulad ng napagod eh pwedeng magpahinga sandali at tska magmahal ulit.
Yung mga taong nagsasawa eh depende, maaring sa tagal ng relasyon nila, nagiging paulit ulit na lang ang nangyayari sa kanilang dalawa. Madalas na nangyayari sa relasyon ng matagal na magkasintahan na parehong pumapasok pa ay
- Mag tetext ng good morning
- Mag tetext ng Kain na.
- Magsasabi ng I love you.
- Teka lang may gagawin lang ako/ Pasok na ako sa school.
- Kain ka na tanghalian.
- Kelan ulit tayo magkikita?
- Magsasabi ng I love you.
- Papasok sa eskwelahan
- Uuwi sa eskwelahan.
- Sasabihan ng pagod.
- Mag-uusap, wala ng mapagusapan dahil napagusapan na sa mga nakaraang araw. Paano pa kung hindi nagkita?
- Mag goodnight.
- Kinabukasan eh halos ganun ulit.
Minsan ang tao eh nagsasawa kapag paulit ulit yung nangyayari, parang formality na lang, Date tayo, Usap tayo, I love you dito, I love you too doon.
Ang taong napagod eh bigyan mo lang ng oras mag-isip eh handa na ulit magmahal ito, maaring mapatawad ka, pagbigyan ka pa ng isang pagkakataon o kaya naman eh tuluyang mapagod at sa ibang balikat na siya magpahinga. Depende na naman sa tao yan lahat eh.
Ewan ko ha, iba iba kasi ang nangyayari sa bawat tao eh, lahat ng nasisirang relasyon eh may sikretong hindi mo malalaman at silang dalawa lang talaga ang may alam.
Kung tutuusin parehas lang yan, parehas lang kasi kakalabasan niyan. Iniwan ka rin naman eh, yun nga lang nagkaiba sa kung may pag-asang bumalik o hindi.
Much agree :)
ReplyDeletehahaha..nakarelate ka ba??
ReplyDeletesalamat sa comment girl!
:)