Isang lumang tanung ang bumalik sa aking ala-ala:"Anu ba ang aking pipiliin? Kung saan ako masaya o kung anu ang tama?" Sinagot ko ito noon, at ang sabi ko, dapat piliin ko kung anu ang tama.
Pagdating sa pagdedesisyun, aminado akong mahina at mabagal ako rito. Hindi ko alam kung bakit at hindi ko rin alam kung paanu ko "magagamot" o mababago ang sarili ko. Madalas akong maipit sa sitwasyun kung saan ang gusto ko ay yung mali, o yung bawal. Kapag nagdesisyun akong piliin ang tama, minsan hindi ako masaya. Minsan kahit labag sa kalooban ko, ginagawa ko pa rin (parang tanga lang). Masakit sa pakiramdam, peru alam kong yun talaga ang dapat. Still may kirot sa puso. Ngunit kapag pinili ko naman ang ikakasiya ko, nakagagawa naman ako ng kamalian. Nakokonsensya ako pagkatapos kong gawin ang gusto ko.
Palagi kong naririnig ang mga katagang "sundin mo kung anu ang nasa iyong puso" o kaya "kung saan ka masaya, yun ang gawin mo." Tama naman peru hindi sa lahat ng pagkakataon ay pwede mo yang gawin. Sana ay mag-isip muna tayo bago tayo makinig sa mga katagang naririnig o nababasa natin dahil hindi lahat ng pilosopiya sa buhay ay applicable sa bawat sitwasyun. Hindi laging tama ang gusto ng tao. Hindi laging tama ang pasya ng puso. Kaya nga tayo mayroong isang bahagi ng katawan partikular sa ulo, na tinatawag na utak.
Ergo, dapat natin gawin ang nararapat. Sundin ang batas ng Panginoon higit pa sa batas ng tao!
Kahit saang anggulo naman natin tingnan, dapat talaga gawin kung anu ang tama dahil wala tayong pagkakamaling magagawa kapag ang ginagawa natin ay ang tama.
Aminin nating mas masarap kapag ginagawa natin ay ang TAMA at ito ay nakakapagpasaya sa atin! Agree?
Peru bakit ko ba ito sinusulat? (tinatype-pilosopo)
Simple lang, sapagkat minsan din akong naging tanga...(tulad mo?)
No comments:
Post a Comment