Wednesday, January 30, 2013

Pagbabalik Tanaw

Sa artikulong ito ay nais kong maging isang makata. Hindi man ako naturingang mahusay sa larangan ng pagbigkas at pagtatalumpati gamit ang wikang Filipino, kahit man lang dito sa pahayagan ng aking malayang isipan ay mailalabas ko ang nakatago kong galing sa paggamit ng ating sariling pambansang wika.

Ako ay isang simpleng mamamayang Pilipino na nagmula pa sa Silangang bahagi ng kabisayaan. "Bisdak" kung tawagin at hirap sa tamang pagbigkas ng mga purong salitang tagalog. Ngunit kahit ganun pa man, hindi ko kinakahiya ang pagiging isang "bisaya," datapwat aking maipagmamalaki ang pagkakaroon ko ng isang matigas na dila dahil sabi nila ito daw ang gusto ng mga kababaihan ngayun (let's celebrate!). Ibig sabihin lang na ang pagiging "bisaya" ay hindi kahinaan kundi maituturing itong isang kalakasan. Sang-ayun ka ba kaibigan?

Maiba ako, tayong mga Pilipino ay mayaman sa mga kawikaan, wikain, kasabihan, bugtong at iba pa na naging bahagi na ng ating kultura. Isa sa mga kasabihan na madalas kong naririnig ay ito: "Ang taong hindi marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan ay higit pa sa mabaho at malansang isda." Teka parang mali yata. Ibang bersyun pala iyan. Ito ang orihinal: "Ang taong hindi marunong lumingun sa kanyang pinaggalingan ay hindi makakarating sa kanyang paroroonan." 

Alam kong pamilyar ka sa kasabihang iyan at marahil ilang beses muna rin itong narinig o hindi kaya'y isa ito sa mga paboritong mong banggitin kapag ikaw ay nasa paaralan o kahit sa ordinaryung kwentuhan. Ngunit ang tanung ko kaibigan, naaruk mo na ba ang ibig sabihin ng katutubong kasabihan na ito? Sa unang tingin, parang isang simpleng kataga lang subalit kung nanaisin mong sumisid pailalim marahil ay matutuklasan mo ang kayamang taglay ng kasabihang ito. Ang sinumang magsasabi o magpapaliwanag ng kanyang pag-unawa na walang pagnilay-nilay o maingat na paghimay-himay sa bawat salita ay maaaring humantong sa isang pagkakamali. Ako man ay hindi mangangahas na magbigay ng sarili kong paliwanag na hindi dumaan sa tamang proseso ng pag-uunawa ng isang bagay lalo pa't ito'y may kunting kahirapan.

Kung kaya huwag na nating pag-usapan ang bagay na iyan. Nabanggit ko lang naman yan sapagkat yan ay may kinalaman sa paksa ng aking sinusulat ngayun. Ngayun dumako naman tayo sa personal kong buhay. Pasensya na kung marami akong paligoy-ligoy...ganun lang talaga ako magsulat, maraming pasakalye! 

Madalas akong natutulog sa hindi tamang oras ng pagtulog. Kung minsan naman napapaaga, tulog na ako niyan mga ilang minuto bago maghating gabi. Siguro nag-iisip ka kung anu-anu ang mga pinaggagawa ko sa buhay kung bakit ang hilig kong magpuyat. At para hindi ka na manghuhula (alam kong hindi ka manghuhula), sasabihin ko sa iyo ang ilan sa mga dahilan kung bakit dilat pa rin ang aking mga mata habang humihilik ka na.
  • marami akong dapat basahin at sulatin...naghahapit lagi!
  • mahirap magpakondisyun ng utak at ibang parte ng katawan para ako ay makapagbasa at makapagsulat ng maayos at may naiintindahan. 
  • nakahiligan ko na ang pagkakape tuwing gabi dahil ito daw ay isang epektibong paraan para magbawas ng timbang.
  • at marami pang iba.
Siguro naman ay naiintindihan mo na kahit papaanu ang aking buhay kaibigan. Hindi madali para sa akin ang magpuyat dahil inaantok ako sa araw at ang masama pa dun nakakatulog ako minsan sa kalagitnaan ng klase (yack! tulo laway...peru mas nakakahiya naman yung tipong biglang lumubo ang sipon mo habang ang buong klase ay nakatingin sa iyo..?). Kita mo na, kaya huwag mo akong gayahin. Ito namang ginagawa ko ay labag sa aking kalooban peru ginagawa ko pa rin (parang tanga lang nu?).Ito pa ang isa kong problema kapag nasa higaan na ako, hirap akong makatulog (syempre nagkape ako..hahaha). Ang dami kong naiisip na tila baga lumilipad ang aking diwa. Kung kaya'y madalas akong dinadala ng aking isipan sa aking mga nakaraan. Madalas akong nagbabalik tanaw. At sa aking pagbabalik tanaw, nakakaramdam ako ng kasiyahan at paggaan ng kalooban habang sinasariwa ko sa aking isipan ang mga masasaya at malulungkot na mga karanasan noong ako ay nasa probinsya pa partikular na iyong buhay ko bilang isang mag-aaral sa Sekondarya.

Nakakatuwang balik-balikan ang mga eksena sa buhay bilang isang mag-aaral. Mga karanasang naiukit na sa puso't isipan. 

...itutuloy!


nakaramdam ako bigla ng antok, sasamantalahin ko na.

No comments:

Post a Comment