Monday, February 04, 2013

Yung "Excitement factor" na gigising ka sa umaga!


Alam mo yun? Madalas mong hanapin yung excitement ng buhay mo. O kaya naman excitement na gumising sa umaga, yung umaga na i lolook forward mo talaga kasi parang may mangyayaring maganda na hindi mo malaman. Alam mo yun? Yung nawala na sayo yung anu mang kilig factor, yung hindi mo na alam ang gagawin mo sa buhay mong mag-isa. Oo andyan ang magulang at kapatid mo para magmahal sayo. Given the fact na yun eh, kumbaga obligasyon ka nilang mahalin kasi pamilya ka nila at binuhay ka nila sa mundong ibabaw.

Pero hell yeah naman kasi yung gusto natin diba? Yung gusto natin yung taong aangkinin talaga natin. Yung taong ipagmamalaki natin sa maraming tao na hawak mo ang kamay niya at kulang na lang eh ipagsigawan mong nagmamahalan kayong dalawa. Pero madalas kang mahiya diba? Eh si John Lloyd lang ata ang madalas gumawa nun. Paano naman kasi scripted.. Pati yung mga taong nasa paligid.. Hindi tulad sa tunay na buhay.. Huhusgahan ka, madalas sasabihin pa ng tao sayo eh “ay ang baduy naman nun!”.

Gets niyo ba yung point ? Yung excitement? Yung spark na hinahanap mo madalas sa sarili mo o kaya naman sa ibang tao. Ang panget gumising sa umaga na ang tanging alam mo eh papasok ka lang sa eskwelahan... Mahirap mag-aral ng walang inspirasyon. Oo nga marami naman ang pwedeng gawing inspirasyun, nandyan ang Diyos o hindi kaya ang mga magulang mo peru ang sinabi ko dito iba eh...alam mo naman siguro ang pagkakaiba nun di ba?

Nakakamiss maging lutang ang isip mo kakaisip sa kanya. Bakit kaya nawala na yun? Sayo ba? Nawala rin ba? Hinahanap mo rin ba? O patuloy na naghihintay na lang? Kasi umaasa kang darating din ang taong magmamahal sayo ng buo. Minsan iiyak ka na lang sa kwarto no? Kasi nga nahihirapan ka na.. Ang bigat sa loob at dyahe sa pakiramdam yun. 

Ayun sa Filipino Philosophy namin...isang tyanak sa kalooban yan! hahahuhay~!

Hell yeah na...*&^%^&...ASTEEG!

No comments:

Post a Comment