Monday, February 04, 2013

Anu ba ang feeling kapag nainlove ka sa kaibigan/bestfriend?


Ito ang isa sa pinakamahirap na feeling sa lahat ng mararamdaman mo sa isang kaibigan. Alam naman nating mahal natin ang lahat ng ating kaibigan, pero iba kapag sinabi nating “In-love”. In-love ibig sabihin, may gusto tayo sa kanila. May espesyal na pagtingin, may gustong patunguhan, gusto mong alagaan o kaya naman angkinin.

Kadalasan kasi kapag na iinlove ka sa kaibigan, tanggapin mo na sa sarili mo na posible kang mawalan. Marahil sa oras na umamin ka eh hindi niya gusto ang ginawa mong pag-amin. Kunwari close kayo, at inisip mong i next level ang pagkakaibigan niyo eh may pagkamalabo ang kalalabasan nito.

Minsan kasi, sapat na sila yung nandiyan ka lang. Yung pareho kayong nakakabenefit sa bawat isa. Yung tipong sweet kayo, pero walang commitment. Pero nandun yung closeness. Gets? Yung pwede mo siyang lambingin parati, ( kaya ka na inlove ) kasi nga malaya mong nagagawa yung mga bagay na meron yung ibang taong pumapasok sa relasyon.

About sa “FriendZone Thingy” ito ata yung isa sa pinakamasakit na mangyayari sayo. Yung hindi ka lang busted, kundi kinandado na talaga ang pagkakaibigan niyo tapos tinapon sa dagat o tinunaw sa apoy yung susi ng Padlock na yun. Kasi wala na talaga, tipong kahit pag-aralan ka niyang mahalin eh wala na talaga. Masaya lang siya na kaibigan mo siya, na nag-uusap at kilala niyo lang ang dalawa.

Basta isa sa pinakamahirap na pakiramdam talaga ang ma inlove sa bestfriend o kaibigan. Pero dun naman lahat nag uumpisa. Sa pagiging magkaibigan muna. Syempre darating tayo sa puntong ” Getting to know each other muna “. 

Tip ko lang sa lahat. Kapag binabalak mong ligawan. Wag mo masyadong lalambingin habang magkaibigan pa lang kayo. Kasi kapag ayan sinanay mo na nilalambing mo kapag magkaibigan palang kayo eh malaki ang chance na ma friendzone niyan. May mga senyales kasi yan eh, wag mo laging amuhin, ipakita mo lang na espesyal siya. 

Umiwas ka at medyo huwag kang pumayag kapag tinatawag ka ng “KAPATID” “KUYA” o “TATAY” sa mga lalake. Punyeta, wala ka ng pag-asa sa mga yan. “SIBLING ZONED” naman ang tawag diyan. Yung tatawagin ka ng mga sweet na tawagan na ganyan? Juskupo. Asa ka pang sagutin ng mga taong yan.

Ang feeling kasi kapag na ganun ka, parang binalatan ka ng buhay at pinigaan ka ng isang kilong kalamansi onti-onti, patak patak. Parang pinalalasap sayo ang sakit na pang kaibigan ka lang dahil sa sobrang kabaitan mo.

Pagtanggap lang naman ang susi diyan eh. Wala namang masama kung susubukan mong sabihin ang gusto mo. Malay mo may mga tao na hindi nag stick sa mga decision nila. Kapag ayan kasi wala ng nakilalang tunay na magmamahal sa kanila. Minsan no choice yan. Ikaw pipiliin niyan. Kaso ang awkward nung ganun diba?

Natuto na rin ako sa mga ganyang problema ko sa buhay. Kapag gusto ko ang isang tao, hindi ko masyado nilalambing. Wala kaming tawagan. Tinatawag ko lang siya sa pangalan niya. Hindi Ate, hindi Prinsesa, kundi kung sino lang siya. Alam mo naman kasi yung mga tawag na iiwasan mo eh, para hindi ka mabilang sa mga taong na friendzoned.

Sabi nga ni Lolo MArio Pinanganak tayo para sumaya. Which is tama siya. At dadagdagan ko pa. Pinangak tayo para sumaya. At hindi para maging last option lang ng iba.

Kaya kung ako sayo mag-ingat ka sapagkat hindi madali ang mainlove sa bestfriend...

Napakariskyna desisyun yan. Peru kung talagang mahal mo na talaga siya at ikaw ay seryoso sa nararamdaman mo para sa kanya, hindi naman siguro masama kung magpapakatotoo ka at sabihin sa kanya na hindi na tulad ng dati ang pagtingin mo sa kanya.

Basta kaibigan maging totoo ka lang. Aminado ako na talagang masarap magmahal lalo na kapag kilalang kilala mo na ang taong gusto mo. Tamang tyempo lang...i mean dapat may planu ka at huwag padalos dalos.  At syempre kaibigan, tulad nang laging sinasabi ko, huwag mong kalimutan magdasal kasi kung talagang seryoso ka aba'y magmamakaawa ka sa Diyos nyan. Tama ba ako? 

Pakabait ka lagi...:)

salamat!


No comments:

Post a Comment