Alam niyo bang naranasan kong ma bully sa eskwelahan? Yung dumating
sa punto na ayaw ko ng pumasok kasi alam kong aasarin ako ng mga kaklase
ko sa oras na makita nila ako? Yung lahat ng mata nila sa akin kasi
nakikita nila akong mahina at nakikita nilang hindi ko kayang lumaban?
Dumating sa punto na nagsasakit sakitan ako noon para lang makaiwas ng
isang araw na hindi pumapasok sa eskwelahan. Maka iwas sa pang aasar,
maka iwas sa pambubully ng mga inaasahan mo sanang maging kaibigan.
Madalas ito sa tingin ko kapag transferee ka sa eskwelahan, yung ikaw
eh bagong estudyante, tapos magkakaklase dati yung mga nambubully sayo
sa school. Yung nakakaramdam sila ng superiority sa mga sarili nila kasi
nga “alam nilang may kakampi sila”.
Paano nga ba ito maiiwasan?
- Labanan mo ito sa pag-aaral ng mabuti - ipakita mo na hindi mo kailangan yung mga taong nambubully sayo. Yung ibang nambubully sayo titiwalag sa grupo yun at sasama sayo. Mag uumpisang magpaturo sayo sa oras na nahihirapan na sila sa mga academics.
- Mag-iba ka ng target na magiging kaibigan - Minsan ito ang susi eh, minsan kasi kung sino ang mga tingin mong astig, yun ang gusto mo agad kasama. Bakit hindi mo subukan yung mga taong kumakausap sayo? Seatmate mo? O yung mga ibang mga tao na sa tingin mo eh naghahanap ng kaibigan tulad mo?
- One Time Big Time Ipakilala mo sarili mo kapag inaaway ka - Hindi sa pag gamit ng dahas, hindi sa pag gamit ng pisikal. Tanungin mo sila bakit nila ginagawa sayo yun? Tanungin mo sila ano ba ang pagkakamaling ginawa mo? Kung kinakailangan humingi ka ng tulong sa teacher mo, tandaan mong siya ang pangalawa mong magulang. Para makuha ang atensyon ng mga taong nang aaway sayo.
- Huwag mo pansinin. Magsasawa din sila - andun na tayo sa puntong kahit hindi mo pinapansin eh patuloy silang nagpapapansin. Hayaan mo lang sila, gawin mo lang ang gusto mong gawin. May mga taong sadyang pasaway. At parte ng buhay sa eskwelahan yan. May nang aaway, may mabait, may kaibigan, may kaibigan na nangongopya, may kaibigan na nagpapakopya at marami pang iba.
Malalagpasan mo din yan, tandaan mong sa huli magiging kaibigan
mo lahat yan. Marahil sila eh bata ang isip palang sa ngayon. Pero in
the long run, sila sila rin ang makakausap mo at kayo kayo rin ang
magtutulungan. It takes time.. Pero worth it ang pakikisama sa mga taong
nakapalibot sayo.
No comments:
Post a Comment