Saturday, February 02, 2013

Hirap sa blogging? Why don't you make it casual?

Ang problema ng karamihan kapag mag susulat eh kung paano tatapusin ito. Tipong my idea sila sa umpisa at sa gitna. Pero di nila alam paano ito tapusin. Eto tips lang, kapag gagawa ka ng casual blog or general thoughts na blog ganito gawin mo.
  • Problema
  • Solusyon
  • Resulta
I mean umpisahan mo ang blog mo sa pagkakaroon ng problema, kung ano ba ang tanong ng karamihan, kumbaga ikwekwento mo or isusulat mo kung ano ang problema ng post mo, then yung solusyon ilalagay mo rin dun sa blog na yun para malalaman nila yung solusyon sa sinulat mong problema ng maraming tao o ng sarili mo.

At dahil sa solusyon na yun, masasabi ng tao na may matututunan ka nga sa bawat problema na tinatahak mo.

At kapag naibigay mo ang mga posibleng solusyon sa isinulat mo, ilagay mo ang mga posibleng resulta kapag naisulat mo na yung mga solusyon, para magka idea sila na if ever gawin nila yung solusyon na sinasabi mo, may idea ang tao kung ano ang kalalabasan nito. 

Ito ang lagi mong tatandaan, sabihin mo lang ang gusto mong sabihin “Hindi kasi lahat ng tao naiisip ang naiisip mo. Gets?”


Kaya ayun, goodluck sa pagsusulat ng magagandang entries mga kaibigan!

 

No comments:

Post a Comment