Mga ilang tips para sipagin sa pag-aaral!
- Tandaan mong may baon ka na ulet.
- Tandaan mo na makikita mo na ulet ang crush mo. Peru kung ikaw ay nag-aaral sa seminaryo, perhaps exemption ito para sayo maliban na lang kung may crush ka dun!
- Tandaan mo na may mga bago kang makikilala na kaibigan at kung wala mang posibleng maging new friend, siguro isipin mo na lang na chance mo ang bawat araw na mapalalim pa ang samahan nyong mga magkakaibigan.
- Tandaan mong masarap matuto lalo na't hindi ikaw ang nagpapaaral sa sarili mo kundi ang magulang o isang mabait at mapagbigay na benefactor mo.
- Tandaan mong hindi lahat ng taong katulad mo eh nakakapag-aral.
Tandaan mo na isa ka sa mga swerteng bata na nakakapag-aral sa hirap ng
buhay ngayon.
- Kapag pumapasok ka sa eskwelahan, maari kang makipagsabayan sa
usapan ng ilang nakakatanda dahil sa may nalalaman ka sa paksa na yun. Pero dapat lagi kang modest, polite, tactful and sensitive sa mga pinagsasabi mo para hindi ka mainterpret na mayabang o hindi kaya walang modo.
- Ma eehersisyo na ulit ang iyong utak.
- May tyansa ka na namang taasan ang grade mo at humiling ng bagong gadgets sa magulang mo.
- Tandaan mo na ayan lang ang tanging kasiyahan na maibibigay mo sa
magulang mo, ang makakuha ng magagandang marka. Kaya ibigay mo ito.
Ibinigay nila sayo ang pang tuition, kaya ibigay mo yung grade na gusto
nila.
- At ang panghuli at pinakamahalaga sa lahat, lagi mong tatandaan na ang pag-aaral mo ay hindi lang para sayo kung hindi ito'y isang handog mo para sa Panginoon na walang sawang gumagabay at nagbibigay ng biyaya sa iyo.

No comments:
Post a Comment