Nakakamiss
yung halos lahat kaibigan mo. Yung kapag sinabi nilang sino kaibigan mo?
Masasabi mo mga pangalan nila, tipong maituturo mo pa nga at maipagmamalaki.
Pero ngayon, mapa tumblr, blog spot man o hindi…mga naging kaibigan mo nung
Elementary, Highschool o kung san mo man nakilala yan, hindi mo na mahagilap!
Hindi mo na rin alam kung
ano pa nga ba ang ibig sabihin ng salitang “Kaibigan” ngayon.
- May
mga kaibigan na dati mong kaklase nung elementary o high school na
talagang wala na kayong koneksyon sa isa’t isa at kung merun man clinche’
friendship na lang. Yung tipong kapag OL sya sa fb, dedma ka lang o hindi
kaya magmemessage ka tapos hanggang HI lang…Pamilyar ka naman siguro sa
ganitong dialogue sa inbox, “hi! musta kana? Ok lng naman…the end!”
- May
mga “Kaibigan” na biglang mababago ang pagkakakilala sayo kapag hindi mo
sila napagbigyan sa gusto nila.
- May
mga “Kaibigan” na andyan lang kapag may kailangan sila sayo.
- May
mga “Kaibigan” na sweet sa una, napakarami pang sinasabi sayo. Sa huli
uutangan ka lang pala.
- May
mga “Kaibigan” na tinuring mong kapatid at kadugo pero sa huli gagaguhin
ka din pala.
- May
mga “Kaibigan” na gusto nila sila yung mas angat sayo. Gusto nila under ka
lang nila. Tipong +1 palagi at kahit kailan hindi kayo magiging pantay.
Anu
kaibigan san ka dun?
Hindi
ba kay sarap balik balikan yung mga sandali na may tawanan at to-da-max ang
bonding nyong magkakaibigan? Kaya nga sayang naman kung hindi mo magawang
magreconnect sa mga old friends mo.
Hanap ka ng paraan...kailangan mo sila at kailangan ka rin nila.
salamat!
"There's no greatest love than to lay down one's life for his friends."
...to read more, you can click the home.:)
...to read more, you can click the home.:)
No comments:
Post a Comment