Dahil halos tungkol sa
insecurity sa katawan ang katanungan sakin ngayon at may nagtanong sa akin kung
dapat ba daw siya magpapayat para mahalin siya ng taong gusto niya.
Sa tingin ko hindi naman
kailangan gawin yun. Tska kung mataba ka at gusto mong magpapayat. Gawin mo yun
para sa sarili mo at hindi para sa taong magmamahal sayo. Tipong bonus na lang
sa kanya yun kapag nag effort ka mag gym/tumakbo para lang pumayat.
Alam niyo kasi, at alam
nating lahat na masarap gumalaw kapag payat tayo diba? Na tipong yung mga gusto
nating damit masusuot natin. Kaya natin pinaghihirapan talaga at sobrang
sakripisyo ang ginagawa natin. Gawin mong reward sa kanya yung pagmamahal niya
sayo bilang ikaw dati at makikita niya yung taong inalagaan niya hanggang
ngayon.
Para sa sarili mo yan. Para
healthy ka at wala kang problema sa pag galaw. Lalo na sa puso. Kapag sobrang
taba eh delikado naman talaga diba? Tska madalas tayong mainis kapag bumabakat
ang mga bilbil natin sa damit natin. Kaya madalas sinasabi mo sa sarili mo
kinabukasan “Mag GYM na ko! Mag Diet na ko! Hindi na ako kakain tuwing gabi!" At
marami pang iba.
Disiplina lang naman ang
kailangan kapag gusto mong pumayat at wala ng iba. Basta tandaan mo lagi na
gawin mo yan para sa sarili mo at hindi sa taong gusto mo. You don’t need to
please them. Hindi prerequisite ng pagkakaroon ng relasyon ang pagiging mataba
o mapayat. Ang mahalaga naman lagi eh yung tanggap ka. Mahalin mo ang sarili
mo, at magiging madali kang mahalin sa paningin ng maraming tao.
Tiwala lang :)
salamat sa pagbabasa..:)
...to read more, you can click the home..:)
...to read more, you can click the home..:)
No comments:
Post a Comment