Dito
kasi lagi tayo nakatutok, dito na umiikot ang mundo natin. Kumbaga dito ka
nakafocus eh, so hindi malabong dito mo rin mahanap yung taong mamahalin mo.
Araw-araw ka ba naman naka online at araw-araw mong kausap yung mga tao dito
dahil tulad mo, ito rin ang hilig nila. Kumbaga nasa iisang mundo kayong
ginagalawan.
Syempre,
parang kasama mo na rin palagi sa buhay yan eh, nakikita mo litrato niya, siya
lagi yung may oras sayo na kausapin ka sa oras na tahimik ang buhay mo, hindi
ba? Kaya sobrang hindi malabong mangyari yun. Pero yun nga, mahirap ang
internet relationship. Maari kasing bigla na lang itong mawala, kasi minsan
hindi mo alam masaya ka lang sa atensyon na binibigay niya. Pero sa huli baka
magkasawaan rin kayo lalo na kung malayo kayo sa isat-isa.
Kaya
iba pa rin yung power ng nakilala mo siya sa internet pero nagkikita kayo
physically. Mahirap pumasok sa Long Distance Relationship na hindi pa kayo
nagkikita, kahit sabihin mong LDR ka ngayon at hindi pa kayo nagkikita eh
sasabihin mo sakin na kaya mo dahil tiwala lang ang kailangan at komunikasyon.
Nagkakamali ka… Alam mo yung pakiramdam na gusto mo rin siyang protektahan
kapag aalis siya, gusto mo siyang samahan pero wala kang magawa, lalo na sa
parte ng lalake. Kapag binabastos na yung babae wala kang magawa kundi mag text
lang. Ito naranasan ko sa past relationship kong Long Distance Relationship
din.
I
felt so helpless, kapag binabastos siya ng mga kalalakihan kahit wala naman
siyang ginagawang masama, ako tong parang tanga na nagagalit na lang at walang
magawa. Alam mo yun? Yung gusto mong magkaroon ng security yung taong mahal mo
pero hindi mo magawa kasi nga ” Malayo nga kayo” at “Never pa kayo nagkita”
kasi malayo kayong dalawa sa isat-isa.
So
ayun, meet before you commit talaga ang masasabi ko sa mga taong susugal sa
relasyon na inilakad ng Internet.
Salamat
sa pagbabasa!
No comments:
Post a Comment