Wednesday, February 06, 2013

How I handle LONELINESS?

Naks! English yung title!

Ako yung taong kapag nalungkot dahil may problema eh iniisip kong malalagpasan ko agad ito. Tipong yung kalungkutan eh iniisip kong pansamantala, kaya kung kalungkutan na nararamdaman ko everytime na nalulungkot eko eh hindi na ganun kabigat sa isip at damdamin.

Kumbaga, alam ko na ang gagawin sa tuwing malulungkot ako. Minsan tinutulog ko na lang at kapag gising na ako, iba na ulit mood ko. Minsan nanunuod ako ng pelikulang masasaya. Iniiwasan ko yung mga bagay na pwede magpalungkot sa akin. Mga love stories, lalo lang ako maiingit dun eh, tsaka yung mga estorya na may malulungkot na kwento ex.Cast Away, Hachiko, etc.

Iniiwasan ko din ang malulungkot na kanta, kapag kasi malungkot ang kanta eh nagtitrigger lalo ito ng kaemohan sa buhay, lalo na yung mga Yurima na yan? Hutaena, sobrang lakas makadala ng feelings yan.

Kapag mag-isa sa bahay madalas online lang. Makipag-usap ka sa mga kaibigan mo, kausapin mo yung mga taong masasayahin, makibiro ka, makitrending at ilabas mo ang nararamdaman mo kung isa ka mang blogger. Malay mo may makarelate sayo, eh kung magkataon, magkaroon ka pa ng bagong kaibigan. 

Hindi naman tayo bibigyan ng problema na hindi natin kayang resolbahin eh. Tama ako di ba? Lahat yan may solusyun. Kung may problema ka ngayon, isipin mo lang lagi yung mga bagay na ginagawa ko. Isipin mo na, "ilang oras lang naman ako malulungkot eh, mamaya siguradong wala na ito." Pwede mo naman kasing alagaan talaga ang sarili mo eh, inaasa kasi natin ito sa ibang tao kaya nasasabi natin na hindi natin kaya. Pero yung nga ang isang dahilan ng kalungkutan eh, naghahanap ka nang taong magmamahal sayo dahil napapansin mo sa sarili mo wala ng nagbibigay ng atensyon sa iyo. Wala ng taong handang magtanung sa iyo kung ano na ba ang nangyari sa maghapun mo!

Kaya yan, dapat maging masaya ka kung anu man ang estado ng buhay merun ka ngayun. Lahat naman ng tao naghihintay eh, yung mga taong meron ngayon? Naghihintay din yun tulad mo. Hintay lang, hinay hinay lang kaibigan. Huwag maging atat. Kumbaga mas magandang model ang mapupunta sa iyo kumbaga sa pagpili ng cell phone!


Ngiti lang kaibigan..:)

hanggang sa muli...salamat!





No comments:

Post a Comment